BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Oktubre 05, 2011

"Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110"

Tula, essay, dyornal, ilan lang yan sa mga ginawa ko sa Filipino 110. Hilig ko talaga ang pagsulat ng tula, pero marami pa pala akong hindi alam sa tamang pagsulat nito. Masaya, masaya ang mag-aaral ng Filipino, lalu na sa klaseng ito. Sino ba namang hindi mag-eenjoy sa mga kakaklaseng malalakas ang trip. Kung anu-ano ba naman  ang mga sinusulat sa mga ginagawa naming tula, kalalakas ng imagination eka nga ni sir Jason J. Pero ang ms nakakatuwa ay yung pag-sakay sa trip ni sir Jason. Pero dati, lalapit palang sa akin si sir Jason ay takot na takot na ako, baka kase tawagin nya ako bigla at pasagutin, baka hindi ko masagot yung tanong nya eh. Pero sa kabuuan marami akong nagging karanasan ditto, msasayang karansan na maari kong magamit “in the future”. 

"Ang Sining ng Aking Pangalan"

M-anong! Manong! San ka nagpunta?
I-kaw ba’y namasyal mag-isa?
C-heckered pa ang T-shirt mong-suot
H-abang jersey ang suot mong short
A-bay ang ganda ng terno mo
E-to kurbata isuot mo
L-akad lang, ayos ang porma mo

Agosto 09, 2011

Si P-Noy para sa mga pinoy


                Lahat naman ng bagay ay mahirap baguhin lalo na kapag sinira ito. Maging sa gobyerno, mahirap itama ang bulok na administrasyon. Sa administrasyong  Aquino, bagamat hindi pa natin  natatamasa ang lubos na pag-usad patungo sa tamang daan. Saludo pa din ako kay P-Noy. Dahil sa paunti-unting pag-usad natin tungo sa kaunlaran. Hindi naman maaring biglaang maging maunlad  agad tayo. Naniniwala ako na kahit paunti-unti man pag-unlad natin, sigurado naman, sabi nga nila “slowly but surely” wag lang sanang huminto si P-Noy, at matulad sa mga nakaraang  administrasyon sa halip na paabante tayo ay nagiging paatras ang lakad natin. Binubulsa ang kaban ng bayan. Kaya eto tayo ngayon naghihirap at walang pag-unlad. Tayo’y magtiwala sa ating paresidente at sabay-sabay natin pagmasdan ang pag-unlad ngating bayan.

Ang awit ng aking buhay

Sa dinamirami ng pagsubok sa buhay ko, lahat ng yan ay kinaya ko. Mga problema na hindi maiiwasan at mga pagkabigong aking naranasan. Kailangan mag patuloy ang buhay kahit naransan ko ang lahat ng yan. At dahil sa mga pagsubok na ito mas naging malakas ako at matatag. Parang yung kanta na Pasubaling spongecola, na nagsasabing wag tayong sumuko,kayanin natin ang mga pagsubok at sa huli tayo’y magtatagumpay sa kung ano man ang nais natin. Parang ako ngayon, sa estado ng buhay ko na patuloy pa rin na nagsusumikap mag-aral upang maka-angat sa buhay. “Never say never sa kung ano man ang nais mong makamit, kahit may mga pagsubok na dumating, wag kang susuko at kayanin mo ito tiyak magatatagumpay ka.



Song Lyrics

Kung pwede lang
Wag mo na 'tong iwasan
At 'wag mo ring
Ituring na biro
Marahil 'to'y 'di mo inaasahan
Pero sana'y
'wag ipinid ang pinto

Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko

Chorus

Kailan mo ba matutunan?
Kailan mo ba 'pagsisigawang
'di mo na 'pagkakailang tayo?

Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang 'yong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo.

Ang diwa ko'y
Tigib sa kaiisip
Sa sarili'y laging
May kinikimkim
Patuloy lamang bang mananaginip?
At mananatili lang na nakapikit?

Ako'y mayro'ng batid
Ito'y iyong pag-amin
Hindi na natin maiiwasan 'to

Sampung taon mula ngayon,heto na ako!


Malaking bahay, mga kotse, maraming  pera, at isang masayang  pamilya.  Sampung  taon mula ngayon, lahat ng yan ay mapapasa-akin, lahat ng material na bagay na gusto ko ay makukuha ko. Maging matagumpay na businessman at angat sa buhay, ito naman ang nais kong makamit. Makikilala ako sa buong mundo dahil sa mga inbensyon ko, inbensyon kong mga gadget, gamit ang makabagong teknolohiya na ako mismo ang gumawa. Mahihigitan ko si Bill Gates sa payamanan dahil sa kikitain ko. Uunlad ang bansa ko at mga kababayan ko. Pero kahit sampung taon pa ang lumipas andyan pa din ang pamilya ko na matagal na akong meron, at hindi ko kyang ipagpalit. Hay!!!ang sarap mangarap, lalu na yung mga imposibleng mga bagay. Pero lahat ng yan ay possible basta may tyaga.

Agosto 07, 2011

Ako bilang isang bagay ... =)

              Maihahantulad ko ang sarili ko bilang isang “plastic bag”. Hindi literal na plastic, hindi ko rin sinasabing plastic ako. Ang nais kong sabihin ay katulad ng plastic bag na tumutulong sa atin na magbuhat ng maraming mga bagay na pinapadali ang ating mga gawain, ako rin ay parang ganon, isang kaibigan na handang  tumulong sayo na pwede mong sabihan ng iyong mabibigat na problema, tutulungan kang ayusin o paga-anin ang iyong dinadala. Ang nais ko lang ay makatulong hindi makasakit o makasira. Hindi katulad ng isang katangian ng plastic na sumisira ng kalikasan. Ang tanging pinag kaparehas namin ay pagtulong sa nangangailangan.




Si crush oh!!!!

Ang lahat ng tao ay mga katangian na madalas nating napapansin, kung kaya’t humahanga tayo sa kanila. Ang paghanga ay masasabi ko rin na parang “love”, dahil nag-aalala ka na rin sa crush mo, masaya ka pag kasama mo sya atbp.
Bata palang ako ay may crush na ako, pero ang ipapakilala ko ay yung crush ko ngayon J




Si Honey lyn Palileo isang mag-aaral ng CLSU sa ilalim ng kolehiyong CBAA. Nakilala ko sya sa pagsali ko sa ROTC, parehas kaming sumali sa Military Police, hanggang sa nalaman ko na ang pangalan nya. Ang sarap nyang ksama, yung hindi ka tatamarin pag magkausap kayo, madaldal kasi sya kaya ayun nahuhulog na ata ang loob ko sa kanya. Naging madalas din kaming magksama, hanggang sa nakilala na din nya ako. Hehe super saya ko nun!!! Hanggang ngayon crush ko pa din sya at masaya ako na nakakasama ko pa din sya. J

Hulyo 24, 2011

Ako si ...

                    Ako si Michael Barroga, labing anim na taong gulang. Naninirahan sa baranggay Maligaya Science City of Munoz na kung saan sinasabi na ang lahat ng tao ay masaya. Pinanganak ako noong ika-25 ng August taong 1994. Ako ay nakapag tapos ng elementary sa Maligaya Elementary School at Sto. Domingo National Trade School naman sa sekondarya. Ngayon ako ay nag-aaral sa Central Luzon State University, na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Kadalasan kapag sa bakante kong ay hawak ko ang cellphone ko o kya ako ay nag kokompyuter. Pangarap kong makapag tapos ng pag-aaral at maka tulong sa aking pamilya.

Ang aking pamilya

                    Masaya kapag buo ang iyong pamilya, kapag andyan si nanay, si tatay, at mga kapatid. Ngunit may mga pamiya na sinusubok ng panahon, may mga pagkakataon na umaalis ang isang myembro ng ating pamilyaupang mag hanap buhay. Meron din naming mga pagkakataon na sumusubok sa katatagan ng ating pamilya.
                Ang aking pamilya ay maihahalintulad ko sa isang kawayan na kahit dumating pa ang bagyo ay nananatili pa din itong nakatayo. Na parang  ang aking pamilya, na kahit wala man akong nakagisnang tatay ay tuloy pa din ang buhay. 






 Andyan naman ang aking lola na nagsisilbing tatay ko na katulong ng aking mama sa pagpapalaki sa akin.




Ang mama ko na nagtiis at kinaya ang pagpapalaki sa akin. Na mag-isang naghahanap buhay para may maipakaiin ay upang ako ay makapag-aral.


























 Ang mga kamag anak ko na naksama ko sa aking paglaki. Tunay ngang malaki ang ginaganapan ng ating pamilya sa ating buhay. Sila ang nagsisilbing takbuhan natin sa tuwing tayo ay may problema.