Maihahantulad ko ang sarili ko bilang isang “plastic bag”. Hindi literal na plastic, hindi ko rin sinasabing plastic ako. Ang nais kong sabihin ay katulad ng plastic bag na tumutulong sa atin na magbuhat ng maraming mga bagay na pinapadali ang ating mga gawain, ako rin ay parang ganon, isang kaibigan na handang tumulong sayo na pwede mong sabihan ng iyong mabibigat na problema, tutulungan kang ayusin o paga-anin ang iyong dinadala. Ang nais ko lang ay makatulong hindi makasakit o makasira. Hindi katulad ng isang katangian ng plastic na sumisira ng kalikasan. Ang tanging pinag kaparehas namin ay pagtulong sa nangangailangan.
Agosto 07, 2011
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento