Lahat naman ng bagay ay mahirap baguhin lalo na kapag sinira ito. Maging sa gobyerno, mahirap itama ang bulok na administrasyon. Sa administrasyong Aquino, bagamat hindi pa natin natatamasa ang lubos na pag-usad patungo sa tamang daan. Saludo pa din ako kay P-Noy. Dahil sa paunti-unting pag-usad natin tungo sa kaunlaran. Hindi naman maaring biglaang maging maunlad agad tayo. Naniniwala ako na kahit paunti-unti man pag-unlad natin, sigurado naman, sabi nga nila “slowly but surely” wag lang sanang huminto si P-Noy, at matulad sa mga nakaraang administrasyon sa halip na paabante tayo ay nagiging paatras ang lakad natin. Binubulsa ang kaban ng bayan. Kaya eto tayo ngayon naghihirap at walang pag-unlad. Tayo’y magtiwala sa ating paresidente at sabay-sabay natin pagmasdan ang pag-unlad ngating bayan.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento