Ako si Michael Barroga, labing anim na taong gulang. Naninirahan sa baranggay Maligaya Science City of Munoz na kung saan sinasabi na ang lahat ng tao ay masaya. Pinanganak ako noong ika-25 ng August taong 1994. Ako ay nakapag tapos ng elementary sa Maligaya Elementary School at Sto. Domingo National Trade School naman sa sekondarya. Ngayon ako ay nag-aaral sa Central Luzon State University, na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Kadalasan kapag sa bakante kong ay hawak ko ang cellphone ko o kya ako ay nag kokompyuter. Pangarap kong makapag tapos ng pag-aaral at maka tulong sa aking pamilya.
Hulyo 24, 2011
Ang aking pamilya
Masaya kapag buo ang iyong pamilya, kapag andyan si nanay, si tatay, at mga kapatid. Ngunit may mga pamiya na sinusubok ng panahon, may mga pagkakataon na umaalis ang isang myembro ng ating pamilyaupang mag hanap buhay. Meron din naming mga pagkakataon na sumusubok sa katatagan ng ating pamilya.
Ang aking pamilya ay maihahalintulad ko sa isang kawayan na kahit dumating pa ang bagyo ay nananatili pa din itong nakatayo. Na parang ang aking pamilya, na kahit wala man akong nakagisnang tatay ay tuloy pa din ang buhay.
Andyan naman ang aking lola na nagsisilbing tatay ko na katulong ng aking mama sa pagpapalaki sa akin.
Ang mama ko na nagtiis at kinaya ang pagpapalaki sa akin. Na mag-isang naghahanap buhay para may maipakaiin ay upang ako ay makapag-aral.
Ang mga kamag anak ko na naksama ko sa aking paglaki. Tunay ngang malaki ang ginaganapan ng ating pamilya sa ating buhay. Sila ang nagsisilbing takbuhan natin sa tuwing tayo ay may problema.

Ipinaskil ni michaelbarroga sa 1:11 AM 0 (mga) komento
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)